Isang "mabait" na magnanakaw ang umatake sa isang taniman ng gulay sa Pozorrubio, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

"Mabait" daw ang naturang magnanakaw dahil imbes na buong kalabasa ay isang parte lamang nito ang kinuha niya.

Imbes na magalit, nagpasalamat pa ang may-ari ng taniman na hindi buong kalabasa ang kinuha ng salarin. Aniya, baka kinulang lang ang magnanakaw ng pansahog sa pakbet. —KBK, GMA News