Sumabak sa online selling ang mga inmate sa Sorsogon City Jail, at ang kanilang ibinebenta ay mga hand-crafted product na sila mismo ang gumawa.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, kabilang sa kanilang mga produkto ay mga lampshade, basket na yari sa abbacca, at mga parol para sa Pasko.

May mga order umano ang mga inmate mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Dagdag pa, ine-export na rin umano ang kanilang mga produkto sa Hawaii at sa New York.

Ayon sa ulat, ang kikitain ng mga inmate mula sa kanilang online selling ay direktang mapupunta sa kanila at sa kani-kanilang mga pamilya. —LBG, GMA News