Nasawi matapos pagbabarilin ang isang lalaki habang nakikipag-inuman sa Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Amadito Caragay , 64-anyos, ng Barangay Banlag.

Nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima na kaagad nasawi.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang biktima nang lapitan siya ng nakatakas na sarilin at saka pinagbabaril.

Sinabi ng kaanak ni Caragay na wala silang alam na kaaway ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitingnan kung may kinalaman sa krimen ang trabaho ng biktima na sales representative ng STL o small town lottery.--FRJ, GMA News