Patay ang isang construction worker sa Capiz matapos matabunan ng gumuhong lupa.

Batay sa ulat ng GMA  Regional TV One Western Visayas sinabi ni Bam Alegre sa Unang Balita na nagtulong-tulong ang ilang construction workers sa paghukay upang marekober ang katawan ng kanilang kasamahan.

Natabunan ng lupa ang biktimang si Rodel Delfano na nooy nagtatrabaho malapit sa ginagawang pader.

Mahigit apat na talampakan umano ang taas ng gumuhong lupa na tumabon sa kanya.

Ayon sa ulat, dead on arrival sa ospital si Defano.

Dagdag ng ulat, posible na lumanbot ang lupa dahil sa pag-ulan na sanhi ng pagguho nito.

Wala umanong balak na magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima. —LBG, GMA News