Nagtamo ng mga sugat ang isang security guard matapos siyang paulit-ulit na hatawin ng dos por dos sa isang mall sa Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, kinilala ang biktima na si Patrick dela Cruz.

Tila nagmamakaawa na ang biktima, pero hindi huminto sa pamamalo ang suspek hanggang sa matumba na ang guwardiya.

Ilang saglit pa, kinuha pa ng suspek ang bag ng biktima.

Nangyari ang insidente 4 a.m. nitong Miyerkoles, ayon sa Santa Maria Police.

Nagpapagaling na si Dela Cruz, samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng salarin. — Jamil Santos/VBL, GMA News