Isang menor de edad na babae sa Calinog, Iloilo ang pinagtulungang gulpihin ng dalawang babae, ayon sa ulat ng Saksi nitong Miyerkules mula sa GMA Regional TV One Western Visayas.
Makikita sa video kung paano sabunutan, suntukin, tadyakan at kaladkarin sa damuhan ang biktima.
Batay sa imbestigasyon, lalaki umano ang sanhi ng pananakit ng dalawang babae.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa at mahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse and Discrimination Act. —KBK, GMA News
