Isang inabandonang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Natagpuan ito ng isang residente sa Barangay Lunocan, base sa impormasyong nakalap ng GMA Regional TV One Mindanao na iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Isinugod pa sa ospital ang sanggol ngunit idineklara itong dead on arrival.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang posibleng nag-abandona sa sanggol.

"Ang infanticide ay may penalty na katulad ng murder. Nakipag-ugnayan na rin ang ating kapulisan sa barangay at karatig na mga lugar kung sino ang mga buntis, manganganak at mga nanganak na sa lugar," ani Police Major Joann Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10. —KG, GMA Integrated News