Hulicam ang panununtok ng isang inarestong police captain sa isang patrolman habang nasa presinto sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat ni Nikko Sereno ng GMA Regional TV Cebu sa Unang Balita nitong Martes.

Inaresto si Police Captain Alvin Jay Dasilyo matapos umanong manuntok at manutok ng baril sa isang menor de edad. Miyembro siya ng Regional Mobile Force Battalion 10.

Sa kuha ng CCTV, makikitang hawak ni Dasilyo ang kamay bago ilang beses na sinuntok ang biktimang si Patrolman Neil Joe Solas.

Miyembro si Solas ng Macabalan Police Station na siyang umaresto sa suspek.

Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kunan ng pahayag sina Dasilyo at Solas. —KBK, GMA Integrated News