Sa kalye na piniling manirahan ng isang lola kasama ang mga alaga niyang aso at pusa sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, ipinakilala si Lola Anna Garcia, 93-anyos, na walang asawa habang pumanaw na ang nag-iisa niyang kapatid.

Wala na ring tirahan ang lola kaya natutulog na lamang siya kung saan abutan ng dilim.

May mga mabubuting loob na nagpapaabot sa kaniya ng pagkain at tulong para sa pang-araw-araw niyang pangangailangan.

Ipinambibili niya rin ito ng pagkain para sa mga alaga.

Marami nang nag-alok kay lola na tumira sa shelter, ngunit tumanggi siya dahil mas gusto niyang makasama ang kaniyang mga alaga. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News