Nagpasiklaban ang mga magsasaka at mangingisda sa Ragay, Camarines sa pagbida ng mga produkto nilang "pinaka" sa sukat at bigat.

Sa ulat ng Regional TV News nitong Lunes, sinabing kabilang sa mga ibinida ang mga produkto na pinakamahabang upo na may sukat na 90.1 centimeter, at pinakamabigat na alimango na mahigit dalawang kilo ang timbang.

Ang pinakamabigat na kalabasa, aabot sa mahigit limang kilo ang timbang.

Mayroon pang ibang agri products na ibinida sa patimpalak gaya ng pinakamabigat na sugpo, pinakamahabang talong, at iba pa.

Ang naturang patimpalak ang isinagawa ng Agricultural Municipal Office ng Ragay, para mahikayat ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang bayan na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanilang sektor.

Nais din ng tanggapan na maipakita sa ibang lugar na puwedeng makita sa kanilang bayan ang mga "pinaka" na mga produktong agriukultural. -- FRJ, GMA Integrated News