Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa septic tank ng isang mall sa Sta. Rosa City, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtatrabaho bilang plumber at declogger ang dalawa sa isang subcontractor company na naglilinis ng mga septic tank.

Posible raw na na-suffocate ang dalawa habang naglilinis sa septic tank ng mall noong Huwebes.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para masiguro na walang foul play sa insidente.  —KBK, GMA Integrated News