Nasawi ang isang 22-anyos na graduating student matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang bus sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang aksidente kaninang madaling-araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing nag-overtake umano ang biktima at sumalpok sa kasalubong na bus.

Sa lakas ng banggaan, nasira ang harapang bahagi ng bus kung saan tumama ang biktima, na dead on arrival sa ospital.

Labis ang pighati ng ama sa sinapit ng kaniyang anak na magtatapos na sana sa kursong Criminology.

Handa namang makipag-usap ang driver ng bus sa pamilya ng biktima.-- FRJ, GMA Integrated News