Nasawi ang isang babaeng senior citizen nang magulungan siya ng fuel truck sa Rosario, Cavite.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing biglang dumaan ang senior citizen samantalang dahan-dahang umaandar ang truck.

Ilang saglit lang, pumailalim na ang babae sa truck.

Sinabi ng truck driver sa kapulisan na masyadong mataas ang truck kaya hindi niya napansing tumatawid ang biktima.

Mahaharap ang driver ng truck sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News