Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol na babae na isang-taong-gulang matapos siyang patayin sa saksak ng sarili niyang ama sa Tikalaan, Bukidnon.

Sa ulat ni Cyril Chaves sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing sugatan din at isinugot sa ospital ang 29-anyos na amang suspek matapos magsaksak sa sarili makaraang patayin ang kaniyang anak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na matinding selos ng suspek sa kaniyang asawa ang ugat ng krimen, at nadamay ang bata.

Bago ang krimen, nag-away umano ang mag-asawa, na dahilan para umalis ng bahay ang misis at naiwan ang suspek at kanilang anak.

Hindi umano inakala ng ginang na idadamay ng suspek ang kanilang anak.

Naka-hospital arrest ang suspek na nahaharap sa kasong parricide. -- FRJ, GMA Integrated News