QUEZON - Isang delivery truck ang nahulog sa bangin sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Lungib, Calauag, Quezon nitong Sabado ng madaling araw.
Patungo sa Maynila ang delivery truck lulan ang mga isda na dadalhin sana sa Malabon nang maganap ang aksidente dakong ala-una ng umaga.
Ligtas at nagtamo lang ng minor injury ang driver at pahinante ng truck.
Ayon sa Calauag Municipal Police Station, posibleng nawalan ng preno ang truck, dahilan para mahulog ito sa bangin.
Wala namang ibang nadamay sa aksidente. —KG, GMA Integrated News