Patay ang isang babae matapos siyang pagbabarilin habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabing nangyari ang krimen sa Barangay Tres. Nakatakas ang mga salarin.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen matapos aminin ng kinakasama ng babae na gumagamit umano ng ilegal na droga ang biktima.

Kabilang din sa pinag-aaralan ng mga awtoridad ang impormasyon na sinundo at inihatid ng isang SUV ang biktima, isang araw bago siya pinatay. --FRJ, GMA Integrated News