Ilang putol na parte ng katawan ng tao ang nakitang nakalagay sa garbage bag sa Marilaque Highway sa Santa Maria, Laguna.

Sa ulat ng GMA News “Saksi” nitong Miyerkules, sinabi ng awtoridad na isang naagnas na paa ang nakita sa isang garbage bag.

Kinalaunan ay isa pang paa ang nakita, na nasundan ng binti.

Kaagad na nakipag-ugnayan ang pulisya sa Scene of the Crime Operation (SOCO) para magsagawa ng DNA testing.

Nakikipag-ugnayan din ang Santa Maria police sa mga kalapit na bayan kung may parte rin ng katawan ng tao na nakita sa kanilang lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. -- FRJ,GMA Integrated News