Inaresto ang aabot sa 40 residente matapos mag-rambol sa mismong araw ng eleksyon sa Rosary Heights V, Cotabato City.Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Martes, sinabing nag-ugat ang rambulan sa pananakot na isang grupo sa mga botante, batay sa imbestigasyon.Gayunman, umalma ang ilang residente na humantong sa bugbugan.Samantala, arestado rin ang apat na lalaki matapos ding magsuntukan sa Cotabato City Central Pilot School.Ayon sa isa sa mga sangkot, may sumisira umano sa automated counting machine para mandaya, na nagdulot ng iringan.Itinanggi naman ito ng kaniyang nakasuntukan, pati ng pulisya at sinabing problema sa pila ang posibleng ugat sa gulo.Pinayagan pa rin makaboto ang mga nagsuntukan.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News