Nauwi sa suntukan ang championship game ng isang liga ng basketball sa Baliiuag, Bulacan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing naghiyawan ang mga manonood, hindi na dahil sa matinding laban kung hindi dahil sa rambulan ng mga manlalaro.

Ilang player ang nagkapasa at nasugatan, kabilang ang mga aawat lang sana.

Ayon sa mga manlalaro, masyadong mainit ang laban dahil tatlong taon nang naghaharap sa kampeonato ang dalawang koponan.

Handa naman daw ang isang team na tumulong sa pagpapagamot ng mga manlalaro na nasaktan mula sa kabilang grupo.-- FRJ, GMA Integrated News