Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang babaeng driver na viral online dahil sa paggawa niya ng peligrosong exhibition habang nasa highway sa Mandaue City, Cebu nitong June 12.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa State of the Nation nitong Miyerkoles, mapanonood ang video ng babae na nagpagewang-gewang sa kaniyang motor.

Ilang saglit pa, binitawan niya ang manibela at inayos ang kaniyang buhok.

Hindi pa nakuntento ang lady driver at tumagilid pa siya sa motorsiklo, nag-pose at tsaka sumayaw.

Posibleng suspindehin ang kaniyang lisensya at maharap sa reklamong may kinalaman sa reckless driving, depende sa resulta ng imbestigasyon. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News