GUMACA Quezon - Isang malaking sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Barangay Bagong Buhay, Gumaca, Quezon nitong Miyerkoles ng umaga.

Nagsimula ang sunog dakong 4 a.m.

 

 

Isang malaking warehouse na nasa residential are ang natupok. Masuwerteng walang ibang nadamay na bahay dahil sa firewall. 

Malaking tulong ang pagbabayanihan ng mga residente para maapula ang apoy. 

Bukod sa Bureau of Fire Protection-Gumaca ay dumating rin ang pamatay sunog ng BFP Plaridel, BFP Lopez, BFP Atimonan, Kabalikat Civicom at water tanker ni Quezon Governor Helen Tan. 

Naideklarang fire out ang sunog dakong 7:45 ng umaga. 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP Gumaca upang matukoy ang dahilan ng sunog at halaga ng napinsala. —KG GMA Integrated News