Nagtamo ng mga sugat ang limang sakay ng isang pickup matapos itong mahulog sa gilid ng kalsada sa Sigma, Capiz.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng nakaidlip umano ang 50-anyos na driver nito sa pagmamaneho at nawalan ng kontrol sa manibela.
Ayon sa ilang saksi, matulin ang takbo ng pickup.
Wala namang nadamay na ibang tao sa insidente.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang driver ng pickup at ang iba pang sakay. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
