Labing-apat na pulis ang suspek sa paggahasa ng 18-anyos na dalaga sa Cavite.
Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, nalaman sa inisyal na imbestigasyon na nasa labas ng kanilang bahay ang dalaga nang lapitan siya ng grupo ng mga armadong lalaki na nagpakilalang mga pulis mula Canlubang.
Nagpilit umanong pumasok sa kanilang bahay ang mga suspek at hinalughog ito. Kinuha umano nila ang mga singsing at cellphone ng biktima.
Kalaunan ni-lock ng mga suspek ang pinto ng bahay at doon na naganap ang panghahalay.
Na-aresto sa follow-up operation ang walo sa mga suspek, habang at-large pa ang anim.
Ayon sa Police Regional Office IV-A, naka-assign ang mga suspek sa PNP PDEG SOU4A. Nakuha sa mga suspek ang iba't ibang mga kalibre ng baril at bala, ang cellphone at motor ng biktima, at ilang pakete ng hinihinalang droga.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong rape at robbery in band. — BM GMA Integrated News
