Nasawi ang isang 28-anyos na kagawad ng barangay matapos siyang pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Lunes, sinabing kagawad sa Barangay Maikangan ang biktima.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakasaad na nakasakay ang biktima ng motorsiklo nang pagbabarilin siya ng nakatakas na salarin sa bahagi ng Barangay Sta. Catalina.

Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang salarin at motibo sa krimen.

Aalamin din kung may CCTV footage na maaaring makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.—FRJ GMA Integrated News