Sugatan ang tatlong estudyante matapos silang mabagsakan ng LED wall sa Naga, Camarines Sur.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing nagsasagawa noon ng programa sa Naga Metropolitan Cathedral para sa pag-alala ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Miyerkoles nang maganap ang insidente.
Sinabi ng medical responder na lumakas ang hangin sa lugar dahilan para bumagsak ang LED wall.
Nilapatan ng paunang lunas ang tatlong estudyante at isinugod sa ospital.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may naging kapabayaan sa pagkakabit ng LED wall. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
