Isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Pasac river sa bahagi ng Barangay Bancal sa Guagua, Pampanga.

Sa ulat ni Jewel Hernandez sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabi ng isang opisyal ng barangay na nakita ang bangkay dakong 8:00 am ng isang bangkero.

Kaagad na ini-report sa barangay at sa Guagua police station, at isagawa ang retrieval operation upang makuha ang bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Hinihikayat din ng mga awtoridad ang sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa pagkilala sa biktima na makipag-ugnayan sa kanila. – FRJ GMA News