Sangkaterbang gamugamo, namerwisyo ng mga motorista sa Maharlika highway sa Sto. Tomas, Batangas hanggang San Pablo, Laguna.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing halos mag-zero visibility ang daan dahil sa dami ng gamugamo kaya naapektuhan ang mga motorista at ang daloy ng trapiko.

Naapektuhan din ang ilang establisimyento gaya ng mga gasolinahan.

Paliwanag ng entomologist na nag-aaral tungkol sa mga insekto, karaniwang lumalabas ang mga gamugamo para mag-reproduce o magparami.

Posible rin umano na senyales ng kanilang paglabas na mataas ang moisture at humidity sa lugar kung saan mataas ang tiyansa ng mga gamugamo na mabuhay. – FRJ GMA News