Tinalakay sa programang "Mars" kung paano pumili ng ipapangalan sa isisilang na sanggol na batay sa Feng Shui. Sa ganitong paraan, magkaroon na umano kaagad ng positive energy ang bata pagkaluwal sa kaniya ng ina. Panoorin.
Ayon sa feng shui expert na si Johnson Chua, kung ibabatay sa Chinese tradition, dapat isunod ang ipapangalan sa baby sa magiging buwan ng kaniyang kapanganakan.
Dito pumapasok ang mga Chinese characters o letters na may kaakibat na "elements" gaya ng "wood," "fire," "earth," "metal" at "water."
Ginawa niyang halimbawa ang mga batang isisilang sa "spring season" na mula Pebrero hanggang Abril na dapat kaugnay sa "metal" ang pangalan. Habang related naman dapat sa "water" ang pangalan ng mga isisilang sa "summer season" na "May hanggang July."
Panoorin ang naturang talakayan sa "Mars" upang malaman kung papaano makukuha ang pangalan ng baby na batay sa Chinese tradition na feng shui:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News
