Marami ang humanga nang unang mailabas ang kuwento ni Alfredo Manuel, 67-anyos, na tinawag na "Wonder Lolo" dahil sa kaniyang talino at kasipagan. Pero ngayon, hindi na siya makalakad matapos mabundol ng motorsiklo at tinakbuhan pa.

Kuwento niya sa programang "Front Row,", nang unang lumabas ang kaniyang istorya nang makita siya noon na nangangalakal ng basura at nagtitinda ng diyaryo, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagturo sa elementary students.

Hirap man kumilos, taglay pa rin ni Lolo Manny ang talino na kaiinggitan ng marami lalo na sa husay niya sa pagsasalita sa Ingles at kaalaman scientific name ng mga halaman.

Patuloy niya, Disyembre 2016 nang mangyari ang aksidente nang ma-hit and run siya ng motorsiklo. Pero dahil sa kawalan ng pera, hindi na siya nakapagpatingin sa duktor.

Ang buong niyang kuwento, panoorin sa video na ito:


Pero hirap man sa kaniyang kalagayan, hindi nagpapaawat si Lolo Manny upang gumawa ng paraan upang kumita sa pamamagitan pa rin ng pagrarasyon ng diyaryo at pangangalakal.

Panoorin din ang kahanga-hanga niyang katatagan at kasipagan:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News