Sinagot ng resident OB-Gynecologist ng programang "Pinoy MD" ang padalang tanong ng isang netizen kung ano ang cervical polyp, ano ang mga sintomas nito at kung delikado ba ito? Panoorin.
Ayon kay Dr. Raul Quillamor, cervical polyp ay ang outgrowth sa lining ng cervix, o kuwelyo ng matres.
Kapag nangyari ito, nagkakaroon umano ng iregular at malakas na pagdurugo ang babae at pabalik-balik na impeksyon.
"Kung mayroon kang cervical polyp ay I'm sure na na-advise ka na siguro ng gynecologist mo na tatanggalin 'yan para ma-avoid yung mga komplikasyon nito," ayon ni Quillamor.
Alamin ang iba pang padalang tanong ng netizens na sinagot ni Dr. Quillamor tulad ng, "anong supplements ang dapat inumin ng isang nagbubuntis at kung ligtas ba siyang pasakayin sa eroplano? Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
