Dahil sa dami ng bumibiyahe araw-araw sa mga kalsada, madalas na magmamadali ang mga tao sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep. Ngunit kapag may nakasabay kaya silang may kapansanan tulad ng mga little people, tutulungan kaya nila ito?

Nagsagawa ng eksperimento ang programang "Good News" para alamin ang pagiging matulungin ng mga Pinoy sa mga may kapansanan tulad ng mga may dwarfism o unano.

Sa tulong ni Joy na may dwarfism, aalamin ng programa kung may tutulong sa kaniya na kapwa pasahero sa pagsakay ng jeep.

Ang may dwarfism din na si Jo Berry na napapanood ngayon sa Kapuso series na "Onanay," ikinuwento ang kaniyang karanasan sa pagsakay sa jeepney noong nag-aaral pa.

Dahil sa kaniyang kaliitan, madalas daw na nababangga ang kaniyang tuhod sa apakan ng jeep kapag sumasampa. Nagbigay siya ng payo sa mga Pinoy tungkol sa mga PWDs. Panoorin.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News