Bago pa man ang paboritong "trick-or-treat" ng mga bata tuwing Undas, may sinauna nang tradisyon ang mga Pinoy na mala-pangangaroling na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay—ang "Pangangaluluwa."

Tulad sa ginagawang pangangaroling kapag Pasko, grupo rin ang mga nangangaluluwa na nagpupunta sa mga bahay-bahay sa gabi para kumanta. Ang mga awitin ay patungkol sa mga kaluluwa na layuning matulungang makaalis sa purgatoryo.

Sinasabing nagsimula ang tradisyong ito noong pang 1700, at mga nakatatanda ang karaniwang nanghaharana sa mga bahay. Pagkatapos ng pag-awit, nagbibigay ng kakanin at barya ang may-ari ng bahay.

Bagaman unti-unti na umanong nawawala ang naturang tradisyon, nakikita pa rin naman ito ilang lalawigan. At hindi na lang ang mga nakatatanda ang gumagawa dahil sumasama na rin ang mga kabataan.

-- FRJ, GMA News