Nagsimula man sa maling akala, nagkaroon pa rin ng katuparan ang pinapangarap ng dating ipinaampon na si John Mark na mahanap ang kaniyang tunay na pamilya sa tulong ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" at mga netizen.
Sanggol pa lang noon si John Mark nang ipaampon siya ng kaniyang ina. At nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa kaniyang katauhan, nagsimula na niyang pinangarap na mahanap ang kaniyang ina, ama, at mga kapatid.
Noong una, inakala ni John Mark na kapatid niya si Trixia, ang babaeng nakita sa "Wowowin," na nananawagan naman sa kaniyang ama. Napag-alaman din na may kapatid na lalaki na hinahanap si Trixia.
WATCH: Lalaking naghahanap sa tunay na kapatid, nabuhayan ng loob dahil sa babaeng napanood sa 'Wowowin'
Pero lumitaw na hindi sila magkadugo ni Trixia dahil nasa edad na pito pa lang ang hinahanap nitong kapatid. Gayunman, ito ang naging daan upang makakuha ng impormasyon mula sa mga netizen tungkol sa ama at mga kapatid ni John Mark.
KMJS: John Mark, natagpuan na ang mga nawalay na kapatid at ama
Kinalaunan, natupad ang pangarap ni John Mark na mahanap ang kaniyang ama at mga kapatid. Ngunit hindi pa lubos ang kasiyahang iyon ni John Mark dahil hindi pa niya nahahanap ang kaniyang ina.
At ngayon, lubos nang mabubuo ang pagkatao ni John Mark dahil makikita na niya ang kaniyang ina, at makikilala rin ang iba pa niyang kapatid na kamukhang-kamukha pa niya isa. Panoorin ang kanilang pagtatagpo sa video na ito ng "KMJS," at ang paliwanag ng ina kung bakit nawala sa kaniya ang anak.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
