Sa programang "AHA!", tinalakay ang mga pesteng lamok na matagal nang namumuhay sa mundo at mayroon palang "super power" para hanapin ang target nilang tao kahit nasa malayo. Papaano nga ba nila pinipili ang kanilang "kakagatin."

Sinasabing mayroong receptor ang mga lamok na kayang amuyin ang hininga ng tao kahit sa layong 100 feet. Ito'y dahil ang hininga ay naglalabas ng carbon dioxide na siyang sinusundan ng mga lamok hanggang sa mahanap nila ang source.

Bukod dito, naaamoy din nila ang pawis ng tao na may chemical odor na kaaya-aya sa kanila. Pero alam ba ninyo na tanging ang mga babaeng lamok lang pala ang mahilig sa dugo dahil kailangan nila ang nutrisyon upang mangitlog.

Kaya raw ng lamok na sumipsip ng dugo ng hanggang tatlong beses ng kanilang timbang, at aabot naman sa 1.2 million lamok para maubos ang dugo ng isang tao.

Alamin kung ano ang mga dapat gawin para hindi maging lapitin ng lamok? Panoorin ang video ng AHA!

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News