Hindi matutumbasan ang halaga ng mga painting ng pintor na si Elito Circa dahil sa halip na makukulay na pintura, sariling dugo ang kaniyang ginagamit para ipinta ang kaniyang mga larawan.

Sa programang "iJuander," sinabing mas kilala si Elito bilang ang "Amang Pintor." Pag-express raw sa sarili ang pagpinta gamit ng kaniyang dugo, at masaya sa pakiramdam dahil hindi ito puwedeng dayain.

Limang taong gulang pa lamang si Elito nang matuto na siyang magpinta. Nagsimula aniya ito bilang eksperimento dahil nanghinayang siya noon ang minsang masugatan.

Ginamit niya ang kaniyang dugo sa pagpirma, hanggang sa sinubukan na niya ito sa pagguhit.

Sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pambansang Kamao" Manny Pacquiao ang ilan lamang sa mga tanyag na personalidad na ipininta ni Amang Pintor.

Panoorin kung ano ang paniniwala ni "Amang Pintor" na nag-uudyok sa kaniya na gumawa ng sariling museum na naka-display ang kaniyang mga "blood painting." — Jamil Santos/DVM, GMA News