Sa programang "Born To Be Wild," inilabas na ang resulta ng mga ginawang DNA sampling sa mga nahuling mas malalaki at mas agresibong mga buwaya sa Tawi-Tawi na magkukumpirma kung nanggaling ba sila sa ibang bansa.
Tinungo ni Doc Nielsen Donato ang Brgy. Darussalam sa Languyan upang kuhanan ng drone ang lalaking buwayang napabalitang nagbibilad at nag-iikot sa lugar, at suriin kung mayroon din itong occipital scales na katulad ng mga buwayang "Croc X."
Nang sundan nila ito, nagulat ang Born To Be Wild team nang makitang mayroon pa itong kasamang mas maliit na buwayang babae at nag-ikutan ang mga naturang hayop.
Ayon kay Rainier Manalo, Program Director ng Crocodylus Porosus Philippines Inc., indikasyon ang circling pattern ng lalaki at babaeng buwaya ng courting behavior o umpisa ng kanilang pagpaparami.
Tunghayan sa "12th Anniversary Series: Croc X Part 3" ng Born To Be Wild ang resulta ng ginawang DNA sampling mula sa naengkuwentrong buwaya sa Tawi-Tawi. —Jamil Santos/NB, GMA News
