Dahil maraming kainan ang naganap nitong nakaraang holiday season, hindi raw maiiwasan na lumaki ang tiyan ng marami dahil sa dami ng nakain. Pero alam ba ninyo na maaaring magdulot daw ng problema sa kalusugan kapag lumalaki na ang tiyan o waistline? Panoorin.
Ayon sa programang "Pinoy MD," ang mga kababaihan na may waistline na 31 inches pataas ay dapat mag-ingat sa Type 2 diabetes at mga sakit na may komplikasyon sa puso.
Waistlines na 35 inches pataas naman ang sukat na dapat ikabaha ng mga kalalakihan.
Ang dahilan nito ay ang tinatawag na "visceral fats" na maaaring bumalot daw sa mga organ ng tao.
Ayon sa Endocrinologist na si Dr. Mia Fojas, hinihina na ang naturang taba ang nagpapataas sa cholesterol.
"Hindi pa masyadong kumpleto ang pag-aaral tungkol sa visceral fat causing heart disease. Pero isa sa mga teoriya na ang fat ay nakadikit doon sa organs natin sa belly...malapit ito sa portal vein at ito ay papunta sa atay kung saan gumagawa 'yung katawan natin ng cholesterol," paliwanag niya.
Naglalabas din umano ang visceral fat ng isang uri ng protina na kumukontra sa insulin. Gayunman, may paraan daw para makontrol ito. Panoorin ang buong talakayan sa video na ito.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
—FRJ, GMA News
