Dahil sa sakit, naapektuhan development ng pag-iisip ni Junjun. Bagaman anim na taong gulang na siya, nasa pang 12 hanggang 18-buwan-gulang na bata lang ang kaniyang pag-iisip.

Ayon sa kaniyang ina, naging sobrang "hyper" o likot din daw ng kaniyang anak at ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay dahil sa pagsubo ng ilang bagay. Dahil dito, napilitan na silang ikulong siya para mailayo sa kapahamakan kahit mabigat sa kanilang kalooban.

Ngunit nang ipasura sa doktor si Junjun, sinabi ng espesyalista na maling hakbang na ikulong ang mga batang katulad ni Junjun. Alamin ang payo ng doktor at ang paghingi ng tulong ng ina ni Junjun para matustusan ang pagpapagamot sa bata. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News