Inilahad ng Sparkle artists ang kanilang mga plano at surprises para sa kanilang mga ilaw ng tahanan sa Mother's Day.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabing simple and straightforward ngunit siguradong makabuluhan ang plano ni Heath Jornales para sa kaniyang ina itong Linggo.
“Simpleng kain, and then chill with my mom, and then mag-invite po ng mga relatives and all the other moms po. And ano, ‘Ma, treat kita shopping ha para masaya,’” sabi ni Heath sa kaniyang ina.
Pagtitipon din ng pamilya ang selebrasyon ng Mother's Day nina Caprice Cayetano at Marco Masa.
“Sine-celebrate po namin 'yung Mother's Day nang sama-sama po kami, simpleng kain lang po sa labas, or bonding po kahit paano, kasama 'yung buong family. Minsan po 'yung gift po namin na family, isa na lang po ‘yun,” sabi ni Caprice.
“Simpleng kainan, siguro po what makes it different is that nag-invite po kami ng mga relatives, and simple gatherings, siguro mag-book ng resort,” sabi ni Marco.
Sinabi naman ni Miguel Tanfelix na usual na araw lamang ang Mother's Day sa kanilang tahanan, pero may little extra sweetness.
“Simple lang kami mag-celebrate ang Mother's Day. Bati, ganiyan, ‘pag may flowers, minsan kumakain sa labas, nothing grand naman, basta, you know, sine-celebrate ko lang siya with my mommy, my lolas, 'yung mga nanay sa bahay namin,” sabi ni Miguel.
Samantala, “LDR” naman sa kanilang mga ina sina Cheska Fausto, Kyline Alcantara, at Clifford.
Gayunman, walang humahadlang sa pagpapakita ng pagmamahal para sa pinaka-importanteng babae sa kanilang mga buhay.
“My whole family's in Zamboanga City. I think, video call kami ng mom ko. Mag-video call kami, I would greet her a happy Mother's Day. And of course, I would treat her. I would tell her na, ‘Okay, go out to dinner,’ ganiyan, and I would send her flowers lang through my sister. So kahit malayo kami,” ani Cheska.
“Magpapadala po ng flowers kay mama. Kahit po last Mother's Day, wala din po ako dito eh, because of work po. At naintindihan naman po ni mama,” sabi ni Kyline.
“Since 'yung mom ko is from Cebu, so madalas naman po sila nag-fly back dito sa Manila,” sabi ni Clifford.
Pagkatapos batiin ang kaniyang ina, may kadalasang routine si Kylie Padilla tuwing Mother's Day.
Kasama niya sa umaga ang kaniyang mga anak pero matapos nito, siya naman ang mag-self-care.
“Usually, 'yung celebration time, magpapamasahe ako, that's it. Yeah, so me time. That's my gift to myself,” ani Kylie. — Jamil Santos/VBL GMA News
