Napabalita kamakailan ang pagdami ng fake Facebook accounts lalo sa ang mga estudyanteng naghahayag ng pagtutol sa pagsasabatas ng anti-terror bill. Ano nga kaya ang posibleng motibo sa pagdami ng mga account na ito?
Sa ulat ni MJ Geronimo sa Stand For Truth, inihayag ng ilang eksperto na posibleng "politically motivated" ang biglang paglipana ng pekeng accounts.
"One thing na makikita talaga natin is nagsulputan halos lahat ito right after a few student protests occured couple of days ago. Hindi pa very sure 'yung connection. Basically tinatarget ata 'yung mga tao na from what we've seen, mga tao na quite active on social media regarding their political views," paliwanag ni Dominic Ligot, Co-Founder ng Data Ethics PH.
"Since it's a massive duplication, most probable talaga 'yung this is for political agenda. One of the guess din namin is this can also be used for political means," sabi naman ni Raven Duran, technology consultant at software engineer.
"Like for example you want to make someone look bad, you can definitely use someone's account na parang they are the one posting something na really bad and then it will discredit their profiles, their personalities, and then it can be used against them," dagdag pa ni Duran.
Hindi naman aniya naniniwala si Ligot na "glitch" lamang ang pagdami ng pekeng Facebook accounts.
"Kung glitch 'yan, bakit nagme-message 'yung account sa'yo? And 'yung messages targetted sa tao eh, hindi pare-pareho 'yung message," sabi ni Ligot.
Karamihan pa sa mga pekeng accounts na ito, pinagmumura at binantaan ang mga orihinal na tao na ginagaya nila.
Tunghayan ang kuwento ng mga tao na naging biktima ng pagdami ng kanilang pekeng Facebook accounts, kasama ang batikang journalist na si Raffy Tima.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
