Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Oyie Balburias na kayang pigilan ng pantog ang pag-ihi ng tao nang hanggang apat na oras. Kaya naman itinuturing niyang hindi "normal" kung iihi ng dalawa o tatlong beses ang isang tao sa oras na dapat siya ay tulog.
Sa mga lalaking may-edad na, sinabi ni Doc Oyie na maaaring may problema sa prostate kung nagiging madalas ang kanilang pag-ihi sa madaling araw at makabubuti kung sasangguni sila sa duktor. Panoorin.
--FRJ, GMA News

