Nagsimula noon bilang libangan at bonding ng mga magkakabarkada, ngayon ay pinagkakakitaan na rin ang paglalaro ng online games, tulad ng Mobile Legends. Paano nga ba ang buhay ng isang professional online gamer?

Sa programang "IRL" [In Real Life], sinabing unti-unti nang nawawala ang stigma na ang gaming ay para lamang sa mga tamad dahil sa umuusbong na gaming industry.

Ibinahagi ni Rafael Sanchez, Country Manager ng ONIC PH, na hindi lang naglalaro ang team ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB), na binubuo ng mga Pinoy kung hindi nagte-training din sila para sa mga international tournament.

Ayon pa kay Sanchez, kumikita ngayon ng P40,000 hanggang P60,000 ang isang pro player dahil sa paglalaro ng e-games.

"You can see it's so impressive how they make something [out] of their hobby... When it comes to e-sports kasi, it gives us a platform to show to people na age is just a number when it comes to becoming skillful, or age doesn't matter when it comes to making decisions," sabi ni Sanchez.

Pero hindi rin pala basta-basta ang pagsasanay upang maging pro-gamer. Alamin ang ilan sa kanilang ginagawa at bukod sa paglalaro, mayroon pa umanong ibang puwedeng landas na tahakin ang mga nahihilig sa online games. Panoorin.

--FRJ, GMA News