Makati at mapupulang mga pantal na kumakalat sa iba't ibang parte ng katawan, bunga ba ito ng sakit sa balat na Nummular Eczema o ng Psoriasis? Alamin ang kaibahan ng naturang mga sakit sa balat at paano nga ba ito maiiwasan?
Sa programang "Pinoy MD," sinagot ng resident dermatologist na si Dra. Jean Marquez ang ilang katanungan tungkol sa mga sakit sa balat kabilang na ang allergy.
Ipinaliwanag niya sa isang netizen ang kaibahan ng Nummular Eczema at Psoriasis matapos na magtanong at magpadala ng larawan tungkol sa sakit sa balat na nararanasan nilang mag-ina.
Kumpara sa Nummular Eczema na maaari din umanong mamana, hindi umano masyadong makati ang Psoriasis pero naapektuhan ng huli ang kuko at maging ang anit ng isang taong taglay ang naturang sakit sa balat.
Nagbigay din ng paalala si Dra. Marquez tungkol sa pagbibigay ng gamot sa mga batang may eczema, at mayroon ding nagtanong din kung maaari bang bumalik ang food allergy ng isang tao kapag nagkakaedad na. Panoorin ang buong talakayan sa video.
--FRJ, GMA News

