Kaagad na gumawa ng paraan si Kuya Wil nang mapanood ang balita tungkol sa buntis na tinanggalan ng bubungan at pintuan ng kaniyang kasera ang inuupahang bahay dahil 'di sila nakababayad ng upa.

Tinawagan ni Kuya Wil ang ginang na buntis para ipaalam na sasagutin niya ang bayad sa anim na buwang upa niya, pati na ang isa nilang kapitbahay.

Bukod sa pagsagot sa upa, bibigyan din niya ng pera at bigas ang dalawa, gayundin ang taong nag-upload ng video sa social media sa naging sitwasyon ng buntis. Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News