Hindi naiwasan ni Barbie Forteza na ma-"praning" sa prank video na ginawa sa kaniya ng nobyong si Jak Roberto na walang tigil sa pagso-sorry.

Halos hindi na mabilang kung ilang beses binanggit ni Jak ang "sorry" habang ginagawa nila ang Tiktok video at pinag-iisipan ni Barbie kung ano ang ilalagay na caption sa video.

Ang hindi alam ni Barbie, sinusubukan ni Jak ang "social experiment" kung ano ang magiging reaksiyon ng nobya kapag paulit-ulit siyang nag-sorry nang walang sinasabing dahilan.

"Akala niya simpleng vlog lang 'to. Since ito nga 'yung unang vlog nitong 2021, gusto kong lagyan ng twist," paliwanag ni Jak habang walang ang nobya.

"Itong TikTok na gagawin naming dance cover, para mas maging interesting, parang gawin nating social experiment. Kapag nag-sorry ka ng 100 times, ano kayang magiging reaction ng girlfriend mo?" patuloy niya.

Sabi pa ni Jak, "Kasi alam naman natin 'yung mga babae 'di ba 'pag nagso-sorry ka, hindi lang basta nakapag-sorry ka eh. Tatanungin nila 'bat ka nagso-sorry. Anong pinagso-sorry mo."

Hindi naman nagkamali si Jak dahil napansin ni Barbie ang ilang ulit niyang pag-sorry at napaisip pa ang dalaga na baka may nabuntis ang kaniyang nobyo.

"Napipikon na 'ko kasi bakit nga? Paulit-ulit na tayo," sabi ni Barbie.

Alamin kung ano ang naging reaksyon ni Barbie nang malaman ang pakay ng mga sorry ni Jak. Panoorin ang nakakaaliw na video.

— FRJ, GMA News