Sa nalalapit na Chinese New Year, naghahanda rin maging ang ilang Pinoy para maging maganda ang kanilang buong 2021. Anu-ano nga ba ang mga dapat gawin para mapapasok ang suwerte sa mga tahanan?

Sa programang "Good News," ipinayo ng feng shui expert na si Master Lois Alog na dapat maging "strong" ang mga tao, hindi lang sa kanilang kalusugan kundi sa kanilang pananampalataya sa Diyos.

Ipinakita rin ng feng shui expert ang mga bagay na ilalagay sa mga kabahayan para maitaboy ang "Chi" o "bad energy, at ang isang uri ng halaman na maganda raw ilagay sa pinto ng bahay para maakit ang buwenas.

Panoorin ang buong patalakay sa isyu sa video na ito.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News