Naging malaking palaisipan sa mga residente ng isla ng Naro, Masbate ang nahukay na malalaking buto na nakabaon sa buhanginan sa tabing dagat. Tama kaya ang hinala nila na buto ito ng dinosaur?

Sa "Dapat Alam Mo," napag-alaman na ang residenteng si Jerome Asusena, ang unang nakapansin sa mga buto na inakala niya noong una na kahoy lang.

Nagtawag siya ng mga kapitbahay para magpatulong sa paghuhukay hanggang sa tumambad na ang malalaking buto.

READ: Ngipin ng isang super-dambuhalang pating, nakita sa Leyte

Ang isang piraso ng buto, halos isang dipa na ang laki. Hinihinala naman na ang iba pang buto na nahukay ay posibleng parte ng gulugod.

May buto rin na tila hugis ng ulo at parang may sungay.

Sa sobrang laki ng mga pinaniniwalaan nilang buto, iniisip ng mga tao na baka buto ng dinosaur ang nahukay.

Si Mark Almocera, na kasama sa naghukay, sinabing first time na makakita ng ganoong uri ng buto.

Hindi naman nila maisip na buto ng balyena ang kanilang nahukay dahil sa wala naman daw balyena na napapadpad sa lugar.

Dahil hindi pa matiyak kung ano ang pinaniniwalaang buto, ipinatigil na muna ng barangay ang aktibidad sa lugar.

Upang malaman ang kasagutan, ipinasuri sa isang archeologist ang mga buto. Ano kaya ang inisyal niyang obserbasyon sa mga buto? Sa dinosaur nga kaya ito? Alamin sa kasagutan sa video sa ibaba. Panoorin.

--FRJ, GMA News