Pitong taon na ang nakalilipas mula nang pasukin ni Maine Mendoza ang mundo ng showbiz. Una siyang nakilala bilang si "Yaya Dub" sa makasaysayang kalyeserye ng "Eat Bulaga."

Sa Twitter post nitong Lunes ng gabi, nagpasalamat ang Phenomenal Star sa biyayang nakamit sa pagpasok niya sa showbiz.

READ: Ang unang kilig, pagkikita, at pagkakalapit ng 'ALDub'

"So blessed and forever grateful to be living this life," panimula ni Maine sa kaniyang mga tweet.

 

 

 

"Before this day ends, I just want to say thank you to everyone who greeted and remembered. Maliit na bagay man sa iba pero malaking bagay sa akin – kaya maraming salamat sayo. Maraming salamat sa inyo," patuloy niya.

May pahabol ding hirit si Maine sa simpleng paggunita ng kaniyang anibersaryo sa showbiz: "Shocks talaga bang saktong 12?"

 

 

 

Matatandaan na July 4, 2015 nang ipakilala sa "Eat Bulaga" ang karakter na si Yaya Dub sa segment na "Juan for All, All for Juan."

Ang bansag na Yaya Dub ay dahil sa husay at viral videos noon ni Maine sa dubsmash.

Kinilig at naaliw ang mga manonood nang biglang aminin ni Yaya Dub na crush niya si Alden Richards na kabilang sa mga dabarkads.

Doon na nagsimula ang love team ng dalawa via split screen at ginawan ng kalyeserye na nagtala ng makasaysayang taas sa ratings sa telebisyon.— FRJ, GMA News