Mistulang naka-two-in-one ang isang nagpagupit dahil para na rin siyang naligo sa bidet na ginamit ng barbero sa kaniyang buhok.

Sa ulat ng programang Dapat Alam Mo!, makikita na tila natatawa ang nagpagupit na si Elison John Dionisio habang ginagamit ng barbero ang bidet sa kaniyang buhok.

May kalakasan din ang buga ng tubig mula sa bidet kaya mistula na rin siyang nakapaligo.

Kuwento ni Elison, nahirapan daw ang barbero na i-refill ang pang spray bottle na gamit nito kaya ni-request na bidet na lang ang gamitin.

Ayon sa host ng programa na si Kuya Kim Atienza, bidet ang gamit sa mga lumang salon.

Patok naman sa netizens ang video sa Tiktok na mayroon nang mahigit 1 million views. --FRJ, GMA Integrated News