Inihayag ni Kira Balinger na wala nang problema sa kanila ni Kelvin Miranda matapos silang akusahan noon ng dating nobya ng aktor na nagkaroon umano sila ng affair.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, tinanong si Kira kung sumagi sa isip niya sa posibilidad na pumasok si Kelvin sa “Pinoy Big Brother” house.
“Honestly po, ever since finding out na collab po between GMA and [ABS-CBN], I did have that thought before going in. Pero at the same time, I felt OK about it naman po kasi kami ni Kelvin, OK naman na,” saad ni Kira.
Ayon pa sa kaniya, nagkaroon na sila ni Kelvin ng "closure."
“I’m OK. No bad blood. No hard feelings. Life is short,” sabi pa niya.
Taong 2023 nang masangkot sina Kelvin at Kira sa kontrobersiya nang aksuahan ng ex ng aktor na may namamagitan sa kanila at ibinahagi pa ang screenshots ng kanilang mga pag-uusap.
Gayunman, itinanggi nina Kelvin at Kira ang mga alegasyon.
Sa Fast Talk segment, tinanong si Kira kung “Nasaktan ni Kelvin Miranda?”
"Medyo," tugon ni Kira.
Bumida noon sina Kira at Kelvin sa pelikulang “Chances Are, You And I.”
Kasali si Kira sa housemates sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.” Lumabas sila ng Bahay ni Kuya ng kaniyang ka-duo na si Charlie Fleming.
Napanonood ang mga bagong episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” sa GMA Network ng 10 p.m. tuwing weekdays at 6:15 p.m. sa weekends. -- FRJ, GMA Integrated News